Impromptu Feelings; Also Serves As Life Update

Lakas maka-wallflower ng buhay ko ngayon, tangina. Pakiramdam ko lagi akong nakakalimutan ng mga tao—yun bang mapapansin ka lang pag may kulang ka, or may ginawa kang mali. O kaya kung kausapin ka, wala nang ibang lumabas sa mga bibig kundi tungkol sa mga sarili nila. Ayaw na ayaw kong nararamdaman na balewala yung mga sinasabi ko, kasi hindi ako nag-aral sa UP para balahurain ng ganun. Namimiss ko nang makipag-usap sa mga taong nakikinig, nakakaintindi, at nagpapasensya sa’kin. Namimiss ko na yung mga panahong hindi ako ginagawang pader na pinagdadausan ng pataasang-ihi.

Advertisements