Ayoko nang bumalik ng Baguio. Ayoko nang makita ulit ang UPB ng siguro dalawang taon. Ayoko nang makakita ng mga mukha na kailangan kong ngitian at kausapin ng ilang oras. Ayoko nang bumiyahe ng madaling araw para makaabot sa isang klase kung saan makikipagkwentuhan lang sa’yo ang prof. Ayoko nang maghilamos ng malamig na tubig. Ayoko nang tumunganga ng ilang oras sa kwarto, iniisip kung paano ba nangyaring natambakan ako ng gagawin at naubusan ako ng utak (at pera). Ayoko nang gumising ng maaga para lang mawalan ng gana pumasok sa loob ng ilang minuto. Ayoko nang kabahan sa pagdilat kada umaga.

Ayoko nang magpanggap na gusto ko pa ang buhay kahit paulit-ulit lang ang lahat.

 

 

Post bilang pag-alala sa huling akyat ko pa-Baguio mula Manila ngayong semestre, at sa panahon ng matinding pag-aasam ng pahinga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s