This Monday, Flashback To A Friday: Half A Month Ago

Pat's Post-Birthday

Kids with plastic spoons eating cake in the cold dark. So hardcore talaga.

I took this photo nung gabi ng post-debut celeb ni Pat, August 30, 2013, 7-Eleven, 10PM. Kinukulit na kasi ako ng nanay ko, sabi nya naglalasing siguro kami. I took this photo thinking I could show Mama just how hardcore we were: eating cake and whining about our friends at a 7-Eleven. Galing kami ng Good Taste Burnham (nagpakain si Pat!), at dahil napasarap ang kwentuhan, nagdecide kami nila Laurence, Luis, Arthur, Ria at syempre si Pat na dalhin somewhere else ang kwentuhan at ang cake.

Prior to this day, we never really got around to talking, alam mo yun. Parang, acquainted lang kami, ganun. Hindi naman kasi ako ever naki-fit in ng husto nung nag-merge ang BALL 1 at BALL 2. Pero earlier that day kasi, nakasalubong namin ni Luis si Pat sa may canteen, and kinamusta sya ni  Luis about an issue with a friend. Syempre, bilang andun ako, kinwento na rin nila sa’kin, kumbaga they let me in on it na din. And as is the way with these kinds of what immature people would call “backstabbing” kwentuhan (when what it really is was just buhusan ng sama ng loob, or constructive criticism without the object present), napagtibay nito ang isang umuusbong na pagkakaibigan, at nakaubos kami ng ilang oras bago naghiwalay ng landas. Hindi rin natapos ang kwentuhan without me and Luis being invited to the post-debut pakain nga ni Pat. So basically ang foundation ng aming pagkakaibigan ay ang aming shared problems with people we consider our friends.

Sa Good Taste Burnham. Bongga magpakain si Pat! (photo 2013 (c) Bea)

At syempre pa, sa mismong dinner ay natuloy ang kwentuhan, at pati ang problema namin ni Luis sa aming not-really-friend-anymore—in which pati si Laurence ay involved at in-the-know na rin early on pa—ay naishare namin kay Pat at kay Arthur, at eventually pati kay Ria.. Na syang dahilan kung bakit kami inabot ng halos 12 sa 7-Eleven. Oo, nagkwentuhan lang talaga kami ng aming mga emosyon habang kumakain ng chocolate cake gamit ang plastic spoons na binili sa tinatambayan naming establisyimento. Ang hardcore rebellious ‘no?

Pagkatapos pa nun, nilakad lang namin pabalik sa town, nagkikwentuhan all the way. Nadaanan na namin ang Harrison Night Market na buhay na buhay. Na’ng umuwi na si Luis at naihatid na rin sa kani-kanilang mga bahay ang kababaihan, kaming tatlo nila Laurence at Arthur ay tumambay pa ulit sa isa pang 7-Eleven, sa may Eng Hill.. Para naman kumain ng ice cream. Hindi na plastic spoons ang gamit, bakal na (ilang hakbang lang kasi ang bahay ni Arthur mula sa 7-Eleven na ito, kaya nanguha na lang sya ng mga kutsara sa bahay nya). Tangina, ice cream e. Nagkwentuhan pa kami hanggang mag-alas dos, tapos nag-taxi na kami ni Laurence pauwi sa kanya-kanyang bahay.

Ilang beses akong lumayo para magyosi the whole night. Hindi ko alam kung dahil ba sa anxiety at forming new friendships yun, or dahil sa rush of giddiness at being out with people again.

Napaka-badass ng gabing yun, kahit pa puro buhusan ng feelings at kainan ng ice cream at cake sa convenience stores lang ang ginawa namin. I felt part of the world again, and I gained some new friends. Hindi ko akalaing may lugar pa pala para mag-progress ako bilang tao.. At dahil sa gabing yun naisip ko kung gaano ka-unrealistic ang gano’ng kaisipan, if not sobrang pessimistic—oo, even for me. Naks!

At hindi ko na iba-backpost ‘to; sobrang kulang na din naman ako sa posts for September o. Ehehehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s