Tuwing Umuulan, Masarap Magbalibag Ng Upuan

Last week, kung kelan nagiba ang mga aspaltong kalsada at lumampas sa taas ng tao ang baha sa lakas ng ulan, hindi nagsuspinde ng klase ang UP Baguio Naming Mahal. Hindi ako pumasok nun, kasi hindi pa nga naman ako makaakyat. Aba, paano ba makakarating ng Baguio ang bus ng Victory kung walang matinong kalsadang madaanan? Dahil dun, ilang klase ang na-absenan ko, bilang hindi naman sila nagsuspinde (maliban sa iba kong klase, na kinansela ng mga mismong prof, pero isang araw lang din yun).

Ngayon, andito na ulit ako sa Baguio. Kaaakyat ko lang kahapon, kahit may papasok na namang bagyo (letter N na, Nando ang pangalan). Ubos na kasi ang absences na pupwede para sa’kin ngayong semester; pag sumobra ako maski isa lang, mafo-force drop ako sa lahat ng klase ko. Mabuti na rin naman at hindi masyadong malakas ang ulan. Nagkaron naman ng pasok kahapon, kaya napagtanto ko’ng kaya ko na’ng tiisin ang paglabas sa ganitong klase ng panahon. Ambon-ambon lang naman, at hindi rin masyadong malakas ang hangin.

Kaso, nagsuspinde sila ng klase.

Kung kailan walang masyadong ulan, at hindi makabali ng patpat ang hangin, saka sila nagsuspinde. Kung kailan nakabalik na ako, kahit ayaw pa akong payagan ng magulang ko bumiyahe dahil nga may bagyo na namang paparating. Kung kailan gumising ako ng maaga para lang hindi mahuli sa unang klase ko ngayong araw, na isa sa mga iilang dahilan kung bakit hindi pa ako umaalis na lang ng unibersidad na ‘to (na sobrang nakakadisilusyon btw).

Ang masasabi ko sa takbo ng mga kaganapang ito ay: putangina lang alam mo yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s