Minsan, Sa May Maginhawa.


Ilang taon na rin kaming magkaibigan; nag-umpisa kami noon pang 3rd year high school ako, at 2nd year high school sila. Sa isang panahon kung saan anomalya ang pakikipagkaibigan sa hindi mo kaklase, umusbong ang aming samahan. Ang samahang iyon ay lalong lumalim dulot ng aming pagmamahal sa pagsusulat, na aming natagpuan sa pagsasama namin sa organisasyon para sa sa school paper.

Ngayon, limang taon na ang nakalipas; tatlo sa mga taong ‘yon, aming dinanas ng malayo sa isa’t isa. Ako, nasa Baguio; sila, magka-skwela pero magkaiba ng daang tinahak. Pero kahit hindi kami madalas magkita, ang mga ‘to ang isa sa mga pinakamatibay na pagkakaibigang naranasan ko sa buhay ko. Marami na kaming pinagdaanan, at alam namin ang takbo ng isip ng isa’t isa kahit hindi namin pinag-uusapan.

Hindi na sila bata. Ako din, tumanda na. Pero eto pa rin kami, matibay at tumatawa, kahit minsanan lang magkita sa ilang buwan. Kung sa unang tingin ay di mo aakalain, pero sasabihin ko na para hindi ka maguluhan: kami ay magkakaibigan, pero pamilya ang turing ko sa kanila.

Ilang gabi, jeep, lugar, concert, tawanan, kwentuhan at kainan na ang napagdaanan namin. Korni ma’ng pakinggan, mamahalin ko habambuhay ang mga ‘to, kahit pa magkahiwa-hiwalay kami ng tuluyan, o lumayo ang loob sa isa’t isa. Mamahalin ko sila, at hinding-hindi ko sila malilimutan. Minsan lang ako maging sigurado sa buhay, pero isa ito sa mga bagay na hindi ko na kailangang pagdudahan.

Ito na siguro ang ibig sabihin ng pagmamahal.

 

 

Kinuha ang mga litratong ito ni Pau sa Maginhawa Street, UP Village noong Agosto 17, 2013. Kasama namin sa mga litrato si Vic.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s